EVM Cup isinagawa sa Arayat, Pampanga

Nagsagawa ng EVM Cup sa Arayat, Pampanga ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay nilahukan ng 265 na mga manlalaro para sa basketball, volleyball, badminton, chess at dama.

Nagsimula ang kanilang aktibidad sa pamamagitan ng parada ng mga kalahok mula sa kanilang gusaling sambahan at nagtapos sa Brgy. Mangga Cacutud Covered Court kung saan isingawa ang aktibidad.

Ayon kay Bro Manuel Malanog Jr., Ministro ng Iglesia Ni Cristo, isinasagawa sa Iglesia ang ganitong aktibidad pampalakasan upang lalong magkalapit-lapit ang damdamin ng mga kaanib, bumuti ang kanilang kalusugan at upang ipakita ang pagkakaisa.