Eagle Broadcasting Corporation magsasagawa ng Medical at Dental Mission sa Bataan

By Kenneth David
Eagle News Correspondent

BATAAN (Eagle News) — Nakatakdang magsagawa ng medical at dental mission ang Eagle Broadcasting Corporation sa pakikipagtulungan ng Social Service Office ng Iglesia Ni Cristo sa Sitio Kanawan, Morong, Bataan sa mga kababayan nating mga katutubo sa darating na Pebrero 27, bilang bahagi ng proyekto ng EBC na “Enabling Better Community.”

Ang layunin ng EBC ay hindi lamang makapaghatid ng tamang balita sa mga tao kundi upang makapagabot ng lingap at makatulong sa mga kababayan nating mga katutubo.

Todo suporta naman ang pamunuan ng INC sa distrito ng Bataan sa pangunguna ng District Minister na si kapatid na Manuel S. Soriano Jr. sa isasagawang aktibidad ng EBC.