DZEC Radyo Agila, tinanghal bilang “Radio Station of the Year” ng Rotary Club of Manila

(Eagle News) — Tinanghal bilang Radio Station of the Year ang DZEC Radyo Agila ng Rotary Club Manila Journalism Awards 2018.

Tinanggap ni Laila Tumanan, station manager ng Radyo Agila, ang naturang pagkilala .

Kinilala ng Rotary Club of Manila ang outstanding contribution ng DZEC Radyo Agila sa tri-media.

Bukod sa DZEC Radyo Agila ay tumanggap din ng parangal ang ilang personalidad sa himpilan ng radyo at telebisyon maging sa mga pahayagan.

Ipinagpasalamat naman ng DZEC Radyo Agila ang parangal na ito dahil naipagkaloob ang pagkilala sa panahon ng pagdiriwang ng himpilan at ng kabuuan ng Eagle Broadcasting Corporation sa ika -50 anibersaryo nito ngayong taon.

Ang RCM Journalism Award ay ginanap sa New World Hotel sa Makati City.