Disaster Preparedness, isinagawa sa Cavite

HULYO 21 (Agila Probinsya) — Kaugnay ng pag-oobserba sa National Disaster Consiousness Month (NDCM) na kasabay ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month, ang Cavite Police Office, sa pakikipagtulungan ng PDRRMC at BFP ay nagsagawa ng Disaster Preparedness Drill competition sa bayan ng Naic, lalawigan ng Cavite.

Nilahukan ito ng Barangay Peace Keeping Action Teams mula sa iba’t-ibang siyudad at municipalidad ng buong probinsya ng Cavite.

Layuni ng drill na ito na maihanda ang mga miyembro ng Cavite Police Officce kung papaano ang magiging tamang pagtugon o pagsagip sa mga nasasalanta ng kalamidad.

(Agila Probinsya Correspondent Peach Javier)