Disaster Drill Preparedness Competition, ginanap sa Calamba City

HULYO 16 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng Disaster Drill Competition ang Calamba Philippine National Police (PNP) sa Barangay Lingga.

Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng tamang kaalaman at kahandaan sa mga hindi inaasahanag pangyayari gaya ng lindol, malakas na pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay Peace Keeping Station Teams at civilian volunteers mula sa anim na siyudad sa lalawigan ng Laguna.

(Agila Probinsya COrrespondents Melanie Oguan, Ronaldo Duran, Judith Llamera)