Dipolog City Jail naglunsad ng toy donation program

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Inilunsad ng Dipolog City Jail ang isang toy donation program.
Ito ay para sa gagawing children’s corner ng nasabing piitan para sa mga batang anak ng mga preso.
Naglalayon din ito na mabigyan ng area ang mga kabataang anak ng inmates na magsisilbing kaaliwan ng mga ito tuwing bibisita sa kanilang mga magulang sa loob ng city jail.
Inaanyayahan ng opisyal ang mga mamamayan na mag-donate ng mga laruan, bago o luma man. Kaya naglagay sila ng isang donation box na matatagpuan sa ground floor ng Dipolog City Hall.
Ayon kay  Senior Inspector Benjamin O. Cepeda, jail warden, ang naturang programa ay kakasimula pa lamang at tuloy-tuloy pa rin ito.
Lady Mae Reluya – Eagle News Correspondent, Zamboanga del Norte