DILG at Batangas Province, magkakampi sa pagpapaigting ng laban sa kriminalidad

HULYO 16 (Agila Balita) — Nagkasundo ang Department of the Intertior and Local Government (DILG) at Batangas Provincial Government na maging magkatuwang upang labanan ang kriminalidad sa nasabing lalawigan.

Naging mainit naman ang pagsalubong ni Governor Vilma Santos-Recto sa pagbisita ni DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas para sa ginanap na turn-over ceremony ng 31 Mahindra Patrol Vehicles na ipinagkaloob sa 31 bayan ng Batangas.

Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng malawakang programa ng pambansang pamahalaan na mabigyan malawakang programa ng pambansang pamahalaan na mabigyan ang 1,490 bayan sa buong Pilipinas ng patrol jeeps na gagamitin ng kapulisan upang makatulong sa kaunlaran ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan ay katahimikan sa kanilang nasasakupan.

(Agila Probinsya Ben Salazar)