DepEd, magtatayo ng temporary learning shelters sa Aurora

Upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa lalawigan ng Aurora kung saan maraming eskwelahan ang napinsala ng pananalasa ng bagyong “Lando”, magtatayo ang Department of Education ng temporary learning shelters sa mga pampublikong paaralan sa probinsya upang pansamantalang gamitin ng mga mag-aaral habang hinihintay ang pondo ng pagpaparepair sa mga eskuwelahan.

(Agila Probinsya Correspondent Narciso Milar)