DENR Capiz, wasto ang paggamit sa pondo ng National Greening Program – COA

Ikinatuwa ng Provincial Officer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-Capiz) na si Valentin Talavero ang lumabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na wala silang nakita na negatibong findings sa paggamit ng pondo para sa National Greening Program ng DENR. Ayon kay ginoong Talavero tama ang nagging pagpapatupad nila sa proyektong ito.