Deadline ng aplikasyon para sa Career Service Exam ng CSC pinalawig

By Ali Rosales
Eagle News Service

BOHOL, Philippines, Pebrero 10 — Magandang balita para sa mga nais makapagtrabaho sa gobyerno. Sa Bohol, inanunsyo na ng Civil Service Commission ang pagpapalawig sa deadline para sa paghahain ng aplikasyon sa Career Service Examination.