Data Management at Information Technology Workshop isinagawa sa Ilocos Norte

Isinagawa ng Department of Education (DepEd) ng Ilocos Norte ang Division Roll Out on the Data Management and Information Technology Workshop. Ang workshop na ito ay dinaluhan ng school heads/principals at mga learner information system coordinators ng buong lalawigan ng Ilocos Norte.

Layunin ng workshop na ito na lalong maisaayos ang Learner Information System At Enhanced Basic Education Information System (LIS/EBEIS) na ipinatutupad ng DepEd.

Kaugnay nito ay inaasahan ng DepEd na sa pamamagitan ng nasabing systems ay lubos na mapapadali at magiging maayos ang enrollment ng mga mag-aaral sa buong bansa at ma-momonitor ng mabuti ng DepEd ang kalagayan ng mga mag-aaral.

(Agila Probinsya Correspondent Weller Reyes)