Dalawang kampo ng BIFF sa North Cotabato, nabawi ng AFP

(Eagle News) – Nabawi ng militar ang dalawang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez, naagaw nila ang pinagkukutaan ng nasabing grupo sa Brgy. Tonganon at Brgy. Bentangan.

Aabot sa tatlong libong residente ang kinailangang lumikas dahil sa pag-atake ng mga bandido.

Una nang nag-kampo sa Saidona at Salibo sa Maguindanao ang BIFF ngunit dahil sa mga operasyon laban sa kanila, napilitan silang tumakas at lumipat sa mga bayan ng Carmen at Aleosan. (Eagle News Service)

https://www.youtube.com/watch?v=W8kg0fZyIIA&feature=youtu.be