Dalawa patay sa pagsabog ng hinihinalang home-made bomb sa Batangas

Dalawa ang namatay dahil sa pagsabog ng hinihinalang home-made bomb sa Batangas nitong Lunes, ika-18 ng Marso./Ghadsz Rodelas/Eagle News/

Ghadzs Rodelas
Eagle News Service

Dalawa ang patay kabilang ang isang bata kasunod ng malakas na pagsabog sa isang compound sa Barangay San Roque, Santo Tomas Batangas ngayong umaga.

Nasira ang bakod ng sinasabing blasting site kung saan nagkalat ang parte ng katawan ng di pa nakikilalang mga biktima.

Patuloy pang inaalam ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection kung ano ang dahilan ng nasabing pagsabog ng hinihinalang home-made bomb bandang alas 11.

Sinasabing narinig ang malakas na pagsabog sa iba’t-ibang barangay ng Tanauan City at Santo Tomas.

Kaagad na pinauwi ang mga magaaral sa kalapit na paaralan dahil na rin sa takot ng mga residente roon.