Curfew, ipatutupad sa Bongabon, Nueva Ecija simula sa Lunes

BONGABON, Nueva Ecija (Eagle News) — Nakatakdang ipatupad ang curfew hour sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija ngayong darating na Lunes, Hulyo 18.

Ayon sa Philippine National Police (PNP)-Bongabon, kabilang dito ang dalawampu’t-walong (28) barangay na sakop ng nasabing bayan.

Magsisimula ang curfew pagsapit ng ika-sampu (10) ng gabi hanggang alas-kwatro (4) ng madaling araw para sa mga kabataan na nasa edad 17 pababa o mga menor de edad.

Sinumang mahuhuli ay kasamang papananagutin ang kanilang magulang.

Maaarin rin magmulta ng apat na raan hanggang isang libong piso ang mahuhuling lumabag at isang araw na community service.

Hindi naman umano saklaw ng curfew hours ang: religious activity, barangay activity at lamay sa patay.