Cotabato City, pinarangalan bilang 3rd Most Friendly City sa bansa

Pinarangalan ang Cotabato City bilang pangatlo sa Most Child Friendly City sa buong bansa para sa taong 2014 sa ilalim ng Component Cities Category.

Ang parangal ay iginagawad ng Malacañang at ng Center for the Welfare of Children para sa mga lokal na pamahalaan na seryosong nagsusulong ng karapatan ng kabataan at masiguro ang kanilang maayos na pamumuhay.

(Agila Probinsya Correspondent Odessa Cruz, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)