Concerned citizen, namimigay ng P500 sa mga pamilya sa Concepcion, Tarlac




 

Ni Iver Gamboa
Eagle News Service

(Eagle News) – Kahit na may natatanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Concepcion, Tarlac ang mga mamamayan dito, isang concerned citizen naman ang kusang loob na nagtutungo sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng Concepcion upang mamahagi rin ng kanyang maitutulong.

Siya y kinikilalang si Engineer Ramon Manukdok.

Ayon sa kanya, pandagdag lamang daw ito sa mga pambili ng pagkain at gamot sa kaniyang mga kababayan na apektado ng COVID-19.  Unang inikot ni Manukdok ang dalawang sitio sa bayan ng Concepcion, kagaya ng sitio Bugo at Batolanato.

Ang Sta. Rosa town proper naman ng Concepcion ang tinungo at muling namigay ng tig-P500 sa bawat bahay. Tuwang tuwa naman ang mga taong nakatanggap ng salapi.