Comelec San Jose City, Nueva Ecija, lumusob na hanggang sa mga barangay

Patuloy na nagsasagawa ngayon ng pagpaparehistro at validation hanggang sa mga barangay ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) San Jose City, Nueva Ecija.

Kaugnay ito ng kanilang kampanya na “no biometrics, no boto”. Layunin din nito na mabawasan na ang mga magpaparehistro sa mga huling araw ng oktubre, 2015.

Nagpaalala rin sa publiko na hanggang Oktubre trentay-uno na lamang ang pagpaparehistro.

(Agila Probinsya Correspondents Jenelyn Cornel Ella Domingo Reyes, Emil Baltazar)