Color Run isinagawa sa Bataan

Idinaan sa isang kakaibang Fun Run ng lokal ng pamahalaan ng Dinalupihan, Bataan ang kanilang kampanya upang maipalaganap sa lugar ang ang kanilang pagnanais na maging smoke free ang nasabing bayan.

Layunin ng Dinalupihan Color Run na i-promote ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at paglulunsad ng programang Smoke Free Dinalupihan upang makaiwas sa masamang bisyo lalo na ang paninigarilyo upang magkaroon ng maayos na kalusugan at magandang kinabukasan.

(Agila Probinsya Correspondent Dhanielyn Punzalan)