Clearing operation sa Marawi City, nagpapatuloy

(Eagle News) – Patuloy ang clearing operation na isinasagawa sa mga apektadong lugar sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, ilang mga bangkay rin ang kanilang nakuha sa kanilang isinasagawang clearing operation.

Nakarekober rin ng militar ang 77 armas sa Marawi City mula nang lumaya ito sa Maute Group.

Samantala, muli aniyang nagre-recruit ng mga bagong miyembro ang grupong Maute.

Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr, Task Force Ranao Deputy Commander, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal at mga residente para mapigilan ang mga kabataan na sumali sa nasabing grupo.

 

https://www.youtube.com/watch?v=Uq-shf7zjOY&feature=youtu.be