Clean Up Drive isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang lugar sa Capiz

CAPIZ, Philippines (Eagle News) —  Pinangunahan ng mga Kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang Clean Up Drive sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Capiz. Ang ilan sa mga pinagsagawaan ng clean-up drive ay ang bayan ng Panitan, Mambusao at Panay.
Nagdala ng kani-kaniyang gamit panglinis ang mga kaanib ng Iglesia gaya ng dust pan, walis tingting, kalaykay at mga sako na paglalagyan ng mga basura. Nasa 500 na mga kaanib ang buong kasiglahang nakipagkaisa para sa naturang aktibidad.
Bago isagawa ang aktibidad ay nakipag-coordinate muna ang mga pamunuan ng INC sa mga barangay captain at kapulisan na nakasasakop sa mga lugar kung saan isasagawa ang mga Clean Up Drive. Sa kabila ng napakainit na panahon, hindi naging hadlang sa mga miyembro nito ang tumulong sa pagpapanatili ng isang malinis na kapaligiran.
(Eagle News Nathaniel Flores)

851411087_138046_1717718442388540040

851411781_138918_4373498039995249918

851416093_138886_2887264502753435313

851416462_138116_15859761095436567739

851416817_139284_10965060803073606948

851419969_139261_13434512942414609075

851422152_138194_11533615612677826794

851422480_137266_1758425769138572914

851422535_139366_5668098764913091776 (1)

851422535_139366_5668098764913091776

851423838_138200_17157342729623864138

851423993_138603_8443183167216508336