CBI-UHP chapter, patuloy sa coastal clean up drive

Sa kabila ng matinding init ng panahon, tuloy pa rin ang mga miyembro ng Christian Brotherhood International (CBI) sa kanilang coastal clean up drive na ginawa sa bayan ng Coayan sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Kasabay rin ng nasabing aktibidad ang pagsasagawa ng isang team building activity para sa mga kabataang kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Layunin ng mga nasabing aktibidad na maturuan at magabayan ang mga estudyante sa pagmamalasakit hindi lamang sa kalikasan kundi maging ukol sa pagpapatibay ng samahan ng mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

(Agila Probinsya Correspondent Nelsan Mendoza)

https://youtu.be/zR7SCRW-cTA