Provincial News

INC chapel sa bgy Hillside, tuloy na; claimants nangakong makikipagtulungan na sa Iglesia

(Eagle News) — Tuloy na ang pagpapatayo ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Hillside, Baguio City matapos pagbigyan ng pamunuan ng INC ang kahilingan nina Danilo Blas, Roberto Guiao at ng mga kaanak nito na naghahabol sa lupang pagtatayuan ng kapilya ng INC sa brgy. Hillside baguio city na pagmamay-ari ng INC. Ayon sa mga kinatawan ng INC, nagkapaliwanagan ang magkabilang panig at bumuo ng kasunduan. Nangako na rin ang kampo ni Danila […]

Sapat na kuryente sa araw ng eleksyon wala pang katiyakan ayon sa NGCP

Inamin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang katiyakan kung may sapat ng suplay ng kuryente sa Mindanao sa araw mismo ng eleksyon. Ayon sa spokesperson ng NGCP na si Cynthia Perez-Alabanza, maliban sa mga binombang tore ng NGCP, nanganganib ring masira ang ilang linya ng kuryente dahil sa tumutubong kahoy sa ilalim nito. Aniya, posibleng lalala pa ang kakulangan ng suplay ng kuryente kung hindi naputol ang mga ito sa ilalim […]

Region wide blackout sa halalan sa Mayo pinangangambahan

Pinangangambahan pa rin ang posibilidad na magkaroon ng failure of election sa Misamis Oriental at ibang panig ng Northern Mindanao. Ito’y makaraang aminin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sampu sa mga tower ng NGCP ang nag-collapse samantalang anim ang nasira sa pag-atake ng mga armadong lalaki. Ngunit nilinaw din ng NGCP na 16 sa kanilang 18 na tower na binomba sa nakalipas na buwan ay magiging operational na. Pero ayon […]

Lowell Menorca II nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel

Nahaharap sa patung-patong na kaso ng libel si Lowell Menorca II kaugnay ng kaniyang mapanirang pahayag laban sa grupong Society and Communicators and Networkers o SCAN International. Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Menorca sa isang panayam ng media na ang SCAN International ay isa umanong ‘hit squad’ o ‘death squad.’ Ang pahayag na ito ni Menorca ay nagdulot ng kahihiyan, pamimintas at panlalait sa mga miyembro ng SCAN. Dahil sa pangyayaring ito, sunod-sunod na […]

North Cotabato nagdeklara ng State of Calamity

Dahil sa matinding epekto ng El Niño ay pamemeste ng mga daga sa mga taniman, nagdeklara na ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato. Ito ay upang magamit ang kanilang quick response fund bilang pangayuda sa mga apektadong magsasaka. (Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)

SCAN International nagsagawa ng Traffic and Parking Seminar sa Gen. Trias, Cavite

Maliban sa pagtugon sa emergency situations, tumutulong rin ang mga miyembro ng Society Communicators and Networkers o kilala sa tawag na SCAN International sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko. Kaya naman upang mas lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman ay sumailalim ang mga ito sa traffic and parking seminar na isinagawa sa General Trias, Cavite. (Agila Probinsya Correspondent Ronald Marina, V/O by: Aldrich Montecilla)

Lingap-Pamamahayag isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sto. Tomas, Pangasinan

Isang lingap-pamamahayag ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Sto. Tomas, Pangasinan. Kasama sa mga tulong at nanguna sa isinagawang aktibidad ay ang mga asawa ng ministro sa loob ng INC. Ito ang ikatlong pagkakataong isinagawa ang lingap-pamamahayag sa silangang bahagi ng Pangasinan sa pangunguna ng Ministers’ wives volunteers. (Agila Probinsya Correspondent Peterson Manzano V/O by: Lyn Cabrido)