Provincial News

EVM Cup isinagawa sa Arayat, Pampanga

Nagsagawa ng EVM Cup sa Arayat, Pampanga ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay nilahukan ng 265 na mga manlalaro para sa basketball, volleyball, badminton, chess at dama. Nagsimula ang kanilang aktibidad sa pamamagitan ng parada ng mga kalahok mula sa kanilang gusaling sambahan at nagtapos sa Brgy. Mangga Cacutud Covered Court kung saan isingawa ang aktibidad. Ayon kay Bro Manuel Malanog Jr., Ministro ng Iglesia Ni Cristo, isinasagawa sa Iglesia ang ganitong […]

100 volunteers aakyat sa Mt. Kanlaon para apulain ang bushfire

Tinatayang nasa isang daang volunteers ang aakyat sa Mt. Kanlaon para apulahin ang lumalawak na bushfire sa bulkan. Nangangamba ang mga awtoridad na kung hindi ito maapula ay kumalat ito sa kagubatan. Sa kasalukuyan, nakataas sa alert level 1 ang sitwasyon sa Mt. Kanlaon matapos itong magkaroon ng ash erruption. Nabatid na nagbunga ng bush fires ang ash erruption na may kasamang nagbabagang bato sa bulkan. Tuyo na kasi ang mga damo sa paligid ng […]

Humigit-kumulang 5,000 turista, bumisita sa Calaguas Island nitong nakaraang linggo

Vinzons, Camarines Norte – Pumalo sa humigit-kumulang 5,000 katao ang nagtungo sa Calaguas Island nitong nagdaang linggo batay sa Philippine Coast Guard – Camarines Norte (PCG) na nakabase sa Brgy. Banocboc sa bayan ng Vinzons. Ayon kay Petty Officer First Class Mario Allan Rosales, walang naitalang malalaking problema at pangkalahatang naman umanong naging maayos ang sitwasyon sa isla nitong mga nagdaang araw sa kabila ng maraming turistang nagbakasyon sa Mahabang Buhangin. Batay sa monitoring ng PCG, […]

Forest fire sa Mt. Apo, nagpapatuloy pa rin

DAVAO CITY, Philippines — Umaabot na sa 200 ektarya ang natutupok dahil sa nagpapatuloy pang forest fire sa Mount Apo na sumiklab noong Sabado, Marso 26. Ayon kay Harry Camoro, action officer ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) ng Davao del Sur, nagsimula ang naturang forest fire sa Kapatagan Trail sa Digos City at kumalat naman hanggang sa parte ng Lake Venado. Napag-alaman ding kabilang na sa naabo ang mini-forest sa Lake […]

Tabuk City, Kalinga RTC naglabas na ng warrant of arrest laban kina Menorca at Yuson

TABUK City, Kalinga — Naglabas na ang Regional Trial Court Branch 25 sa Tabuk City, Kalinga sa katauhan ni Judge Marcelino K. Wacas ng warrant of arrest laban kina Eliodoro “Joy” Yuson at Lowell “Boyet” Menorca II. Kaugnay ito ng kasong libelo na isinampa sa kanila nina Ginoong Pedro F. Castillo, District Minister ng Iglesia Ni Cristo  sa Kalinga at Manuel Melchor, Sr., miyembro ng SCAN International sa nasabi ring lalawigan. Matatandaan na noong Nobyembre […]

Mayor at dalawa pa, pinagbabaril sa Laguna

(Eagle News) — Kritikal ang kondisyon ngayon ni Mayor George Berris, alkalde ng Calauan, Laguna, habang patay naman ang dalawa pa nitong kasamahan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Base sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) – Laguna, nangangampanya sa Brgy. Imok sa nasabing bayan ang alkalde kasama ang dalawa pang kinilalang sina Leonardo Taningco at Emmanuel Peña, tumatakbong konsehal, nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo. Binaril ang […]