Provincial News

Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora at DSWD patuloy na namamahagi ng relief goods

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay muling nag-ikot sa mga barangay at namahagi ng relief goods sa mga mamamayan. Samantala, bago nagsibalik sa kani-kanilang tahanan ang mga nasa evacuation center ay pinakain muna ang evacuees ng lugaw. Ayon sa mga opisyal ay zero casualty sa buong bayan ng Dingalan dahil naging handa at listo ang mga […]

Mga miyembro ng SCAN International, first responders sa bagyong ‘Lawin’

CAUAYAN, Isabela (Eagle News) — Isa ang SCAN International sa unang tumugon sa clearing operation sa mga kalsadang naharangan ng mga bumagsak na punong kahoy dahil sa bagyong Lawin. Gamit ang itak, manu-manong tinaga ng mga miyembro ng SCAN mula sa Cauayan City ang naglalakihang sanga na nakaharang sa mga kalsada ng Naguillan, lalawigan ng Isabela. Sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Isabela East na si Kapatid na Bernard Gonzales katuwang ang pangulo ng SCAN […]

Pagkawala ng kuryente sa lalawigan ng Isabela posibleng tatagal pa

AURORA, Isabela (Eagle News) — Sa pananalasa ng Bagyong Lawin ay nakapaminsala ito ng tirahan, pangkabuhayan at maging ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Isabela. Ayon sa ISELCO posibleng aabot pa ng isang linggo bago maibalik ang suplay ng kuryente dahil sa dami ng mga poste ng kuryente na natumba. Sa kasalukuyan ay abala pa rin ang lahat sa clearing operation sa pangunguna ng mga kawani ng gobyerno. April Valdez – EBC Correspondent, Aurora, Isabela

‘Abu’ member with P600K bounty nabbed in Basilan

(Eagle News)–  Abu Sayyaf Group (ASG) member Ibrahim Akbar on Wednesday (October 19) was arrested  by government forces in a manhunt operation in Maluso, Basilan. Akbar, also known as Ustadz Atti Lintogan, Ustadz Atti, or Ustadz Namir, has a P600,000 bounty on his head. According to CIDG Region 9 chief Senior Superintendent Anthony Aberin, Akbar was involved in a bombing attack in Kidapawan City in 2006, and in the abduction of Spanish priest Bernardo Blanco […]

Malakas na bugso ng hangin at manaka-nakang pag-ambon nararanasan pa rin sa San Mateo, Isabela

SAN MATEO, Isabela (Eagle News) – Sa pananalasa ng bagyong Lawin Miyerkules pa lamang ng gabi ay inilikas na ang ilang mga pamilya at mga indibidwal na ang tirahan ay malapit sa mga ilog at apektado ng nasabing bagyo . Ayon sa tala ng MDRRMO, ang bilang ng mga evacuees sa iba’t-ibang evacuation center ay ang sumusunod: 45 pamilya at 150 indibidwal ang evacuees sa Livelihood Training Center ng San Mateo 30 pamilya sa Barangay San […]

Tulong sa mga nasalanta, inihatid na ng DSWD

AURORA, Isabela (Eagle News) – Ayon kay Ginang Minerva Valdez, head ng DSWD ng Aurora, Isabela mahigit sa 1,684 katao ang na rescue ng mga kapulisan at mahigit limang daang pamilya naman mula sa mga low lying areas ng naturang bayan. Sa kasalukuyan nagbibigay na ng tulong ang kawani ng lokal na Pamahalaan ng Aurora sa mga residente sa pangunguna ng DSWD. Maraming bata, matatanda ang nasagip ng rescue team sa pagbabadayang pagtaas ng ilog sa kanilang […]

Paglingap at pag-aalok ng legal assistance isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa BJPM Pangasinan

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ng paglingap at pag-aalok ng legal assistance ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology sa Tayug, Pangasinan. Pinangunahan ito ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Minister ng Pangasinan East. Ayon sa kaniya ay tutulong ang sila sa aspetong legal para sa inmates. Mahigit sa 90 inmates ang dumalo, na kitang-kita ang kasiyahang nadarama. Nagpapasalamat sila sa inaalok na tulong at nagpapasalamat din dahil […]

PDRRMO Pangasinan naka-red alert sa paparating ng Bagyong Lawin

PANGASINAN (Eagle News) – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng OCD Region 1 at ng mga local DRRMO dahil sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Lawin. Kaugnay nito ay nag-deploy na ng mga rescue team mula sa Navy ang OCD Region 1, bilang bahagi ng preparasyon sa inaasahang epekto ng paparating na bagyo. Naka-red alert na rin ang PDRRMO Pangasinan at inalerto na ang mga residenteng nasa mga mababang lugar, tabing ilog at tabing bundok dahil sa […]

Ilocos Norte naghahanda na rin sa pagdating ng Bagyong Lawin

ILOCOS NORTE (Eagle News) – Nasa Signal Number 2 ang lalawigan ng Ilocos Norte sa kasalukuyan. Martes ng gabi, October 18 ay inanunsyo na ng Pamahalaan ng Lalawigan na suspendehin na ang klase ng lahat ng antas simula Miyerkules, October 19 upang mapaghandaan ang paparating na Bagyong Lawin. Sa kasalukayan ay makulimlim na ang kalangitan. Ang mga residente naman ay naghahanda na para sa darating na sakuna. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mas […]