Provincial News

Lingap Pamamahayag isinagawa ng Iglesia ni Cristo sa Gumaca, Quezon District Jail

GUMACA, Quezon (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa mga inmates ng Gumaca District Jail sa Bayan ng Gumaca, Quezon kamakailan. Pinangunahan ni Bro. Benjie S. Estacio, District Supervising Minister ng Quezon East ang nasabing aktibidad. Bago namahagi ng mga goody bags ang mga miyembro ng INC ay nakinig muna ang mga inmates ng mga aral ng Diyos na sinsampalatayanan ng INC. Sa pagtuturo ni Bro. Benjie S. Estacio, ipinaliwanag niya […]

Mayor Sara, pinuri ang activation ng Task Force Haribon para sa seguridad ng Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio ang ‘Activation Ceremony’ ng Armed Forces of the Philippines ang Joint Task Force “HARIBON”. Si Mayor Sara ang guest speaker sa isinagawang ceremony sa Camp Panacan, Davao City at ayon sa kaniya isa itong welcome development sa Security ng Davao. Aniya, ang Joint Task force ay isang malaking tulong upang malabanan ang terrorismo. Ang Davao City umano ay walang dudang nasa forefront […]

Organic Agriculture Training Seminar, isinagawa sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang training seminar tungkol sa organic agriculture ang isinagawa ng City Organic Agri-fishery Complex ng Bislig City, Surigao del Sur. Pinangunahan ng City Development Office ng Bislig ang nasabing Training Seminar. Dinaluhan naman ito ng iba’t ibang kooperatiba sa nasabing Lungsod. Tinalakay at pinag aralan ang mga pamamaraan sa paggawa ng organikong abono, pagtatanim at natural na pag-aalaga at pagpapadami ng hayop. Layunin ng ganitong training seminar na makapagbigay ng impormasyon […]

Mahigit 180 inmates sa Tayug, Pangasinan, nakinabang sa medical-dental mission

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng medical at dental mission sa Tayug, Pangasinan. Ito ay bilang pakikiisa sa National Correction Consciousness Week para sa mga inmates. Nasa mahigit sa 180 inmates ang nakinabang sa libreng check up at pagbunot ng ngipin. Ang mga doktor ay nagmula sa Tayug Family Clinic at ang mga gamot naman ay mula sa Rural Health Unit ng nasabing bayan na libreng ipamimigay sa mga […]

Presyo ng gulay tumaas dahil sa nagdaang bagyo

QUEZON CITY (Eagle News) – Dahil sa nakaraang Bagyong Karen at nasundan pa ng Super Typhoon Lawin ay mararamdaman na ang pagtaas ng presyo ng gulay. Inaasahan din na hindi magtatagal ay tataas na rin ang preso ng bigas. Sa kabila ang pagbayo ng Bagyong Lawin sa Norte na siyang kinikilalang pinagkukunan ng bigas sa kasalukuyan ay hindi pa gumagalaw ang presyuhan ng bigas sa Galas Market. Samantala tumaas na ang presyo ng gulay ilang […]

Phivolcs says Bulusan volcano remains under alert level 1

  (Eagle News) — The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said that Bulusan volcano in Sorsogon remains under alert level 1 status, an abnormal condition, after its seismic monitoring network continued to record volcanic quakes and the continuous emission of white steam plumes. Bulusan has been on alert level one since May 7 last year, when it first emitted ash that rose 250 meters high above the volcano. In its latest earthquake bulletin […]

Kapulisan ng Palayan City at Laur, Nueva Ecija pinangunahan ang “Fun Run for a Cause”

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Isinagawa noong Sabado ng madaling araw, October 22 ng Nueva Ecija University of Science and Technology, Fort Magsaysay Campus ang Fun Run for a Cause sa Barangay Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Angelita N. Masa, Campus Director. Ang nalikom na salapi sa ginawang fund raising activity ay gagamitin para sa mga proyekto ng nasabing paaralan. Kabilang sa mga lumahok ay ang mga pulis […]

Pinsala ng Bagyong ‘Lawin’ umabot na sa halos 3B

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Umakyat na sa halos tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong ‘Lawin’ sa imprastraktura at agrikultura. Pinakamatinding napinsala ang mga imprastraktura sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region o CAR. Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nasa halos labing apat na libong bahay ang nawasak o napinsala sa mga nasabing rehiyon. Isinailalim naman sa state of calamity ang mga lalawigan […]

Unity Games isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Marinduque

MARINDUQUE (Eagle News) – Nagsagawa ng Unity Games ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Marinduque noong Sabado, October 22 sa Covered Court sa bayan ng Boac, Sta. Cruz, Gasan, Marinduque. Kasama sa mga laro na nilahukan ng mga INC members ay ang mga sumusunod: Basketbal Badminton Volleybal Layunin nito na lalong mapasigla ang bawat miyembro ng Iglesia Ni Cristo ganoon na rin upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa pagkakaroon ng ganitong mga aktibidad. Lennon […]

Shabu laboratory sa Cauayan City, Isabela ni-raid ng PDEA

CAUAYAN CITY, Isabela (Eagle News) – Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency- Camp Crame, Maynila, SWAT at PNP Cauayan City, Isabela ay isang Shabu laboratory ang kanilang ni-raid noong Linggo ng gabi, October 24. Ayon sa awtoridad, buwan pa ng Disyembre 2015 ay under surveillance na ang naturang lugar. Kung pagmamasdan ang lugar ay hindi mahahalata dahil sa bandang harapan ay tindahan ng mga sari-saring produkto subalit sa loob ay naroon pala ang shabu laboratory. Ayon […]

Turn over at inauguration ceremony ng isang 2-storey school building isinagawa sa Baybay, Leyte

BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Pormal ng na-i-turn over nitong Biyernes, October 21 sa Baybay City Senior National High School ang isang 2-storey school building na mayroon 12 silid aralan. Bahagi ito ng kabuuang proyekto na 2 gusaling na may kabuuang halaga na Php 28,737,029.18 mula sa pondo ng DPWH CY 2016 Regular Infra na kung saan ang 5th Leyte District Engineering Office ang implementing agency ng nasabing proyekto. Labis itong ikinagalak ng mga mag-aaral, magulang […]

Bilang paggunita sa ika-69 Charter Day; magarang fireworks display isinagawa sa Ormoc City

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinagsa ng mga Ormocanon noong Huwebes ng gabi, October 20 ang kanilang isinagawang malaking celebration sa kanilang ika-69 Charter Day. Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng magarang fireworks display na umabot ng halos anim na minuto. Isinagawa nila ito sa City Plaza Quadrangle. Pagkatapos ng fireworks display ay nagkaroon ng mini concert ang AEGIS na dinayo ng kanilang  fans na galing pa sa iba’t ibang ng lugar ng Ormoc. Nagsagawa din ng cultural […]