Provincial News

Sta. Cruz Island sa ZamboangaCity kasama sa listahan ng 21 Best Beaches in the World

STA. CRUZ, Zamboanga City (Eagle News) — Labis ang kasiyahan ng mga taga-Zamboanga City matapos na makasama sa listahan ng pinakamagandang beach sa buong mundo ang Sta.Cruz Island. Ang Sta. Cruz island na nakilala dahil sa kulay pink na buhangin ay nakasama sa 21 best beaches in the world ng National Geographic. Maliban sa pink sand, ipinagmamalaki rin nila ang magagandang coral reefs sa isla at iba pang atraksyon. Sa ngayon ay bantay sarado ng […]

12 hour operation ng BOC sa ilang pantalan sa bansa simula na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC)  ang dose oras (12 Hours) na operasyon sa anim na pantalan sa bansa. Kasunod ito ng paglaki ng trade volume sa malalaking pantalan sa bansa kabilang na ang Manila, Batangas, Davao, Cebu, Cagayan De Oro, at Manila International Container Port. Ang operasyon ng BOC ay nagsisimula na ngayon ng alas siete ng umaga (7:00 AM) hanggang alas siete ng gabi (7:00 PM). Samantala, […]

Migratory birds na bumibisita sa Wetland and Nature Park sa Balanga, Bataan nabawasan na

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisinagawa ang 2017 Asian Waterbird Census sa Wetland and Nature Park Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan noong Sabado, January 21, 2017. Pinangunahan ito ng Wildbird Club of the Philippines (WBCP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bataan. Umabot sa bilang na 15,041 ang waterbirds na nabilang sa isinagawang census. Kung ikukumpara noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 29,000, mas mataas sa bumisitang mga waterbirds ngayong […]

PHL Navy magdadagdag ng puwersa sa Mindanao kontra ASG

(Eagle News) — Magpapadala ng karagdagang sea assets at mga tauhan ang Philippine Navy sa Naval Forces Western Mindanao para tumulong sa laban sa Abu Sayyaf Group at mapigilan ang serye ng pagdukot sa seafarers malapit sa  Malaysian at Indonesian border. Ayon kay Navy Flag-Officer-in-Command, Rear Admiral Ronald Mercado,  tatlumpung (30) speedboats ang idedeploy upang tumulong sa AFP-Western Mindanao Command. Magpapatrol ang karagdagang speedboats sa Tawi-tawi at Sulu kung saan kadalasang nagaganap ang mga kidnapping  […]

2 bayan sa Agusan Del Sur isinailalim sa state of calamity

(Eagle News) — Dalawang bayan ng Agusan Del Sur kabilang na ang mga bayan ng La Paz at Esperanza ang isinailalim sa state of calamity. Ayon kay AFP Spokesman  Brig. Gen. Restituto Padilla, hindi pa rin madaanan ng anomang uri ng sasakyan ang mga daanan sa mga nasabing bayan kahit pa humupa na ang baha. Ayon sa report, may kabuuang animnapu’t-dalawang (62) baranggay sa nasabing lugar ang apektado ng baha. Mahigit sampung libong pamilya naman […]

Bus hits, kills Church officer in Quirino Highway accident

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan (Eagle News) – A Church officer was killed when she was hit by a bus while crossing Quirino Highway near the locale of Maharlika, Bulacan to attend a devotional prayer early Friday morning. Witnesses say the Magic Line bus, with plate number TXP-837, momentarily stopped to check on the victim but sped away when the witnesses approached to help. The police eventually caught up with the driver a […]

Mga dapat isagawa sa operasyong “Oplan Anti-ingay” inilatag na

MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) – Inilatag na sa Meycauayan City ang mga dapat gawin sa operasyong ilulunsad nila na “Oplan Anti-Ingay” matapos ang pagpupulong nila ilang araw ang nakaraan. Nais ni Mayor Henry R. Villarica  ng Meycauayan City na isagawa na ang implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod. Layunin nito na mabawasan ang ingay na dala sa ating kapaligiran. Para na rin ito sa kaligtasan ng mga motorista gayun din sa mga mamamayan. Ang operasyon […]

Clearing Operations isinagawa sa Davao para sa Miss Universe

DAVAO CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng clearing operations ang apat na Mobile group sa Davao City nitong Huwebes ng umaga sa pangunguna ni Police Chief Inspector Ramil Macarampat. Isinagawa nila ito sa mga kalye ng Quimpo Boulevard, Quirino Street, Ilustre, Rizal, San Rafael at El Rio Street. Ayon kay Inspector Macarampat, layunin nito na lumuwag at malinis ang lahat ng daan upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa pagbisita ng mga kandidata ng Miss Universe sa […]

Plantang gumagamit ng coal sa Bataan nais ipasara ng ilang grupo

LIMAY, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ng Press Conference ang Limay Concern Citizen Inc. at Coal Free Bataan Movement sa Brgy. Lamao, Limay, Bataan na sinuportahan ng iba’t-ibang organisasyon tulad ng Coal Free Central Luzon Movement. Isinisigaw ng militanteng grupo ang mahigpit na pagtutol nila sa mga Plantang patuloy na gumagamit ng coal bilang panggatong para makalikha ng enerhiya. Ayon sa Press statement ng grupo, ang paggamit ng coal ay pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya at nagiging sanhi ng pagkasira ng […]

Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Pamamahayag sa San Nicolas, Ilocos Norte

SAN NICOLAS, Ilocos Norte (Eagle News) – Nagasagawa ng malaking Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa San Nicolas, Ilocos Norte kamakailan. Dinaluhan ito ng maraming tao na inanyayahan ng mga kaanib ng  INC sa nasabing dako. Pinagunahan ni Bro. Raymundo S. Bravo, Jr., Ministro ng ebanghelyo ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Ang Kapisanang SCAN International naman ang nanguna sa seguridad ng nasabing aktibidad. Labis ang katuwaan at kagalakan […]

“Bonsai Making” seminar, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Bilang pagtulong sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Quezon ay nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng libreng livelihood seminar tungkol sa “Bonsai Making”. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Real, Infanta at Gen. Nakar, Quezon. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito, District Minister ng INC sa Quezon North. Marami ang nakinabang sa nasabing seminar dahil kahit ang hindi miyembro ng INC ay dumalo rin upang matuto sa […]

75 na kabahayan sa Parañaque City, tinupok ng apoy

PARAÑAQUE CITY (Eagle News) – Tinatayang nasa 75 na mga bahay ang nasunog noong Martes ng gabi, January 17, 2017 sa Sitio Bagong Pagasa Barangay Sun Valley, Parañaque City. Ayon sa imbistigasyon bandang 10:00 ng gabi ng nagsimula ang nasabing sunog. Agad namang rumesponde ang mga bumbero ng kalapit na mga barangay ngunit mabilis ding kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin kaya mabilis na natupok ang mga bahay. Mahigit 150 na pamilya ang naging […]