QUEZON CITY (Eagle News) — Isasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) sa ilang Barangay sa Quezon City ang satellite voter’s registration para sa gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ngayong taon. Ito ay isasagawa linggu-linggo simula Pebrero 10 hanggang Marso 18, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ang pagpaparehistro ay isasagwa tuwing Biyernes at Sabado at lilimitahan lamang hanggang 600 na aplikante bawat araw. sNarito ang schedule ng satellite registration sa bawat […]
Provincial News
Mahigit 100 sinkholes, natagpuan sa Samal Island
(Eagle News) — Nasa 135 sinkholes ang natagpuan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa iba’t-ibang lugar ng Samal Island, Davao Del Norte. Ayon kay Lowell Chicole, Action Officer ng MGB-XI, gamit ang computer at deep penetrating radar sa lugar, kanila umanong natagpuan ang mga dako kung saan naroon ang mga nasabing sinkhole. Halos lahat umano ng lugar sa Samal Island kasama ang Talikud ay prone sa tinatawag na “karst subsidence hazard” ito ay ang […]
87 inmates ng BJMP-Urdaneta City, Pangasinan nagtapos sa TESDA
URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) -Pormal na nagtapos ang 87 inmates sa training na Electronics Products Assembly and Servicing ng TESDA. Ito ay may temang “Poverty Alleviation to PDL’s with Drug Related Cases Skills and Training Program”. Isinagawa ito sa Urdaneta City District Jail, Anonas, Urdaneta City,Pangasinan noong Lunes, February 6, 2017. Layunin ng nasabing programa na matulungan ang Persons Deprived of Liberty (PDL). Ito ay upang maging produktibo sila para magamit ang kanilang mga natutunan […]
Pamamaril sa mga abogado, ikinababahala ng IBP-Surigao del Norte Chapter
SURIGAO DEL NORTE (Eagle News) – Naglabas na ng official statement ang Integrated Bar of the Philippines-Surigao del Norte Chapter pagkatapos nang mga sunod-sunod na pamamaril sa mga abogado na nagresulta ng pagkatakot hindi lang sa kanilang sarili kundi para sa kani-kanilang pamilya. Layunin na ipalabas ang kanilang nararamdaman sa mga naganap na pamamaril sa kanilang samahan kung saan isa sa kanila ay namatay at isa naman ay nasa pagamutan pa. Nagwithdraw din ang kanilang samahan […]
Isang bagong tuklas na falls na maaaring maging tourist attraction, natagpuan sa Ormoc City
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang bagong tuklas na talon (falls) na matatagpuan sa bahagi ng Brgy. Cabingtan, Ormoc City, Leyte ang itinuturing nila na potential na maging tourist spot ng lungsod. Ang nasabing falls ay personal na pinuntahan ni Ormoc City Mayor Richard I. Gomez kasama ang ilang opisyales ng lungsod. Mahirap man ang paglalakbay para marating ang nasabing talon dahil mahigit kumulang sa 20 kilometro ang lalakarin subalit ng namasdan nila ang natural na […]
“Police-Memo” na may bantang pagbobomba ng Abu Sayyaf sa isang mall, walang katotohanan – PNP
DAVAO CITY (Eagle News) — Pinabulaanan ng SM Supermalls Davao at ng Philippine National Police ang lumabas na “Police Memo” sa umano’y bantang pag-atake at pagbomba ng Abu Sayyaf ay walang katotohanan. Nakasaad sa nasabing memorandum na pinirmahan ni Senior Superintendent Vicente Danao, Jr. na binalaan ang SM Malls Security Team ng Abu Sayyaf. Nag-demand umano ang grupo ng 15 milyon pesos. Kung hindi anila maibibigay ang kanilang hinihingi ay kanilang bobombahin ang naturang mall. […]
“Change of Command Ceremony” ng 102nd Infantry Brigade matagumpay na naisagawa
ZAMBOANGA SIBUGAY (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang “Change of Command Ceremony” ng 102nd Infantry Brigade na isinagawa nitong Sabado, Pebrero 4 sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Sa nasabing okasyon ay ipinahayag ni Col. Jacinto R. Bareng, incoming Brigade Commander ng 102nd Infantry Brigade ang kaniyang mga plano. Kasama sa kaniyang priority list ay ang sumusunod: Pagtatagumpay laban sa mga “auxiliary threat troops” Pagsulong ng Peace Process sa MILF at MNLF. Pagsuporta sa mga ahensiya ng gobyerno sa […]
Fire Fighting Seminar ng SCAN International pinangunahan ng BFP
MAKATI CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng Actual Fire Fighting Seminar ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers (SCAN) International noong Sabado, February 4. Isinagawa ito sa Makati Central Fire Station, Makati City sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP). Ang nasabing seminar ay bahagi ng nalalapit na Fire Prevention Month sa darating na Marso. Ayon kay Ginoong Jerry Cura, chairman ng SCAN, Metro Manila South chapter, ang nasabing seminar ay paghahanda hindi lamang sa darating […]
Army official sugatan sa pagsabog ng bomba
TUBURAN, Basilan (Eagle News) – Isa na namang pagpasabog ng bomba ang naganap nito lamang Sabado, Pebrero 4 sa Sitio Sawiti, Barangay Calut, Tuburan, Basilan. Nangyari ang insidente bandang 2:45 ng hapon kung saan ay sugatan si CPL. Christian S. Ibarreta, miyembro ng 3rd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army at kasama nitong driver na si Misuari Jamiri. Napinsala rin ang service vehicle ni Tuburan Mayor Durie Kallahal. Hindi pa nakikilala ang mga suspek at hindi pa rin […]
Walang nasawi sa EPZA fire incident – Gov. Remulla
(Eagle News) — Binawi ni Cavite Governor “Boying” Remulla ang kanyang naunang pahayag na may namatay na sa sunog sa House Technology Industries (HTI) sa Economic Processing Zone sa Cavite. Sinabi ni remulla na sa pakikipag-ugnayan niya sa pamunuan ng Divine Grace Hospotal, ang nasawi kagabi ay hindi biktima ng sunog sa EPZA. Humingi rin ng paumanhin si Remulla sa nangyari. Aniya, nagkaroon ng “misinformation” at nang magsagawa siya ng validation ay saka lamang nalinawan […]
Livelihood assistance ipinamahagi sa mga katutubo sa bayan ng Tobias Fornier, Antique
TOBIAS FORNIER, Antique (Eagle News) – Pinangunahan ni Antique Governor Rhodora Cadiao ang pamamahagi ng mga maaalagaang baboy para sa mga katutubo (Indigenous People). Isinagawa nila ito sa Municipal Gymnasium sa bayan ng Tobias Fornier, Antique. Ito ay sa ilalim ng proyektong IP livelihood Assistance Program for One Antique. Layunin din nito na maipadama ang pag-ibig at pagmamalasakit sa kanila sa pamamagitan ng tulong pangkabuhayan. Lubos ang kasiyahan ng mga napagkalooban dahil malaking tulong aniya […]
Make-over ng pink sand beach sa Zamboanga, tiniyak
(Eagle News) — Nangako ang Department of Tourism na aayusin at gagawing moderno ang pink sand beach sa Zamboanga upang maka-akit ng mas maraming turista sa Mindanao. Ito ay matapos kilalanin ng National Geographic Magazine ang pink sand beach bilang isa sa “21 Best beaches in the world” na ikinalugod ni Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo. Itutuon ang development plans sa konserbasyon at preservation, Ang isla ay mahigit tatlong libong ektaryang marine reserve na pinaniniwalaang mas […]





