PAGSANGHAN, Western Samar (Eagle News) – Nasa mahigit na 800 pamilya ang nakinabang sa libreng bigas na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Western Samar sa Bayan ng Pagsanghan. Mula sa apat na barangay ay tinipon ang mga tao sa compound ng Municipal Hall upang maayos na maipamahagi ang nasabing bigas. Ayon kay Liezl Manlolo, in-charge sa pagsasaayos ng nasabing aktibidad, layunin na maipadama sa mga mamamayan ng Samar na sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na matulungan ang bawat […]
Provincial News
Mayon Natural Park, posibleng mapabilang sa UNESCO World Heritage List
(Eagle News) — Maaaring mapabilang ang Mt. Mayon Natural Park sa presitihiyosong United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage list. Nabatid na bumisita na sa Albay ang mga kinatawan ng National Commission of the Philippines sa pangunguna ni Secretary General Lila Ramos-Shahani upang kausapin si Albay Governor Al Francis Bichara tungkol sa nasabing usapin. Ang world heritage list ay isang programa ng UNESCO na layuning i-catalogue at ipreserba ang mga lugar na […]
Seminar ng Philippine Red Cross pinangunahan ni Sen. Gordon
OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng seminar ang Philippine Red Cross sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon noong Lunes, February 20. Dinaluhan ito ng mga supervisor, superintendent at mga principal ng iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan ng Olongapo City. Pinangunahan ito ni Senator Richard Gordon, chairman ng organisasyon. Isinagawa nila ito sa Red Cross Conference Hall ng lungsod. Inilahad ni Sen. Gordon ang mga naging proyekto ng Philippine Red Cross sa kaniyang […]
Pagsusugal sa mga lamay, huhulihin na rin
DAVAO CITY (Eagle News) – Masidhi ang pagnanais ng mga nasa hanay ng kapulisan na ipatupad ang pagkulong sa mga mahuhuli nilang nagsusugal kahit sa lamay ng patay, ito ang ipinahayag ni Davao City Police Office (DCPO) Senior Inspector Catherine Dela Rey. Aniya, hindi na palalagpasin kahit ang mga pagsusugal sa lamay lalo na kung ang layunin ng sugal ay ang pag-kolekta ng abuloy para sa namatayan. Kaniya ring ipinahayag na maaaring tumulong ng diretso sa […]
Dalawang vintage bomb nahukay sa San Miguel, Surigao del Sur
SAN MIGUEL, Surigao (Eagle News) – Aksidenteng nahukay ang dalawang vintage bomb habang naglilinis ang ilang mga personnel ng Motorpool sa Lokal na Pamahalaan ng San Miguel, Surigao del Sur. Ang motorpool ay katabi lamang halos ng mismong Municipal building ng nasabing bayan. Ayon sa nakakita, habang naghuhukay aniya siya gamit ang pala para sa pagtatapunan ng mga basura ay napansin niyang may bakal siyang natamaan. Kaagad aniya niya itong hinukay gamit ang kaniyang mga […]
Hinihinalang Abu Sayyaf members, sinalakay ang isang cargo vessel sa Tawi-tawi; 1 patay, 7 dinukot
ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Isa na namang cargo vessel ang inatake ng mga pinaniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf habang tinatawid nito ang karagatan ng Turtle Island Municipality sa Tawi-tawi. Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng Armed Forces Western Mindanao Command, isang mangingisda ang lumapit sa mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-8 kaugnay sa isang M/V Giang Hai na nagpalutang-lutang sa karagatan. Agad na dinala ng tropa ang naturang barko sa isang pinakamalapit na […]
Police Clearance on Wheels inilunsad ng Sta. Rosa City-PNP
STA. ROSA CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ng Sta. Rosa City-Philippine National Police ang Police Clearance on Wheels na may temang “Pulis at your Service.” Una itong isinagawa sa Brgy. Dita, Sta Rosa City, Laguna. Ayon kay PSupt. Giovanni Martinez, OIC Chief ng PNP Sta. Rosa City, ang Police Clearance on Wheels ay isinagawa nila dahil sa kahilingan ng marami na walang panahon na makakuha ng police clearance mula Lunes hanggang Biyernes dahil sa […]
Anti-illegal gambling campaign pinaigting ng awtoridad
DAVAO CITY (Eagle News) – Inaresto ng awtoridad ang 12 suspek matapos mahuli sa aktong paglalaro ng Mahjong sa Datu Bago, Bankerohan, Brgy.5-A, Bolton Isla sa Felcris, at Brgy.40-D Davao City. Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni PCI Ramil Macarampat ng San Pedro Police Station. Kinumpiska naman ng Anti-illegal Gambling Task Force ang isang video karera sa bahay ni Bobby Talas Maliok ng Brgy. Crossing Bayabas, Toril Davao City. Ito naman ay sa pangunguna ni PCI Ronald […]
Police scalawags susuportahan ng taga-Basilan para sa pagbabago ng mga ito
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Taos-puso umanong susuportahan ng mga taga-Basilan ang mga tinaguriang Police scalawags na dadalhin sa nasabing isla. Bagaman kaliwa’t-kanan ang batikos sa mga nasabing miyembro ng PNP dahil sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang gawaing iligal ay tutulungan aniya ang mga ito ng mga taga-Basilan para tuluyang makapagbagong-buhay. Ngayong darating na Martes, February 21 ay inaasahang darating na sa Basilan ang mahigit 200 Police. Sila ang mga tinutukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte na […]
Noise barrage protest isinagawa ng samahan ng mga jeepney driver
MUNTINLUPA, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng “Noise Barrage Protest” nitong Lunes, Pebrero 20, ang samahan ng mga jeepney drivers. Ito ay upang tuligsain ang plano ng gobyerno na jeepney phase out sa taong 2018. Ayon kay Mr. George San Mateo, Presidente ng Piston Land Transport, napakalaking epekto aniya nito hindi lamang sa mga jeepney driver kundi maging sa mga commuter. Sa darating na Biyernes, Pebrero 24, 10:00 ng umaga ay magkakaroon ng Press […]
Mga residente sa Esperanza, Agusan del Sur muling nangangamba sa posibleng pagbaha
ESPERANZA, Agusan del Sur (Eagle News) – Saktong isang linggo ang nakalipas mula ng tuluyang humupa ang baha sa lungsod ng Esperanza, Agusan del Sur. Hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga residente sa pinsalang dulot ngayon ay muli na namang nangangamba ang mga ito dahil anomang sandali ay kanila na namang lilisanin ang kanilang mga tahanan para lumikas. Ito ay dahil sa umapaw na muli ang dalawang ilog na nakapalibot sa lungsod. Noong Huwebes, Pebrero […]
Amazing Sunflower Maze ng Allied Botanical Corporation pormal ng binuksan sa publiko
TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang sunflower maze. Ito ang kauna- unahang maze sa bansa na may sukat na 2,000 square meters. Bukod sa sunflower ay makikita rin ang iba’t ibang klase ng gulay at mga bulaklak na pwedeng itanim sa low land. Makikita rin dito ang kulay violet na mais. Ang entrance fee ay 100 pesos. May discount ang mga bisitang person with disabilities (PWDs), senior citizen at mga […]





