Provincial News

News in Photos: Naaagnas na balyena natagpuan sa dalampasigan

CAGDIANAO, Dinagat Island (Eagle News) – Natagpuan patay ang naaagnas na balyena sa dalampasigan ng Kantigdaon, Poblacion, Cagdiano, Dinagat Island. Ang nasabing balyena ay tinatayang aabot sa 20 feet long, ang buntot ay nasa 75 centimeter at ang timbang ay aabot sa 2000 kilograms. Ayon kay Sufenia B. Chua, Municipal Aquaculturist ng Cagdianao, naging kulay puti ang balyena dahil naaagnas na ito. Ang nakitang kulay puti na parang balahibo ay ang makapal na fats ng […]

Nego cart ipinamahagi ng DSWD sa Morong, Bataan

MORONG, Bataan (Eagle News) – Mahigit sa 30 pamilya ang nakinabang sa ipinamahaging Nego Cart ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Morong, Bataan. Pinangunahan ni Mayor Cynthia Estanislao ang nasabing programa na naglalayong makatulong sa pangangailangan ng mamamayan sa nasabing lugar. Malaki rin ang maitutulong nito sa pangangailangan nila sa araw-araw. Ayon sa alkalde, inaasahan nila na malaki ang maiaambag nito sa pamumuhay ng mga kababayan nilang nagsusumikap na mabuhay ng marangal. Nagpapasalamat naman […]

Lucban Bridge bukas na sa publiko

ABULUG, Cagayan (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang bagong tulay sa Lucban, Abulug, Cagayan. Tinatayang nasa 825 meters ang haba nito. Ang dating tulay na naitayo noong 1960’s ay minarapat ng DPWH at ng lokal na Pamahalaan na palitan na. Ang lumang tulay ay hindi na rin daw ligtas daanan ng mga motorista. Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso ng 2nd District ng Cagayan. Ang tulay ay binabaybay ng […]

Yolanda victims na hindi pa nakatanggap ng emergency shelter assistance, bibigyan sa Hunyo

(Eagle News) — Puwede nang maibigay sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na hindi pa nakatanggap ng emergency shelter assistance (ESA) ang kanilang presidential financial assistance sa Hunyo. Kinumpirma  Liza Camacho ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office-6 na naglaan ng isang bilyong pisong pondo ang pamahalaan, upang mabigyan ng tig-limanlibong pisong tulong pinansiyal ang libu-libo pa ring Yolanda victims na hindi pa nabibigyan ng ESA hanggang sa ngayon. Kabilang sa mga […]

AFP handang proteksiyunan ang mamamayan sa Bicol

CAMARINES NORTE (Eagle News) – Sinasamantala umano ng makakaliwang grupo ang pag-alis ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nakikitang dahilan sa mga naitalang bakbakan sa pagitan ng Militar at CCP/NPA sa Albay, Sorsogon, at Masbate. Tiniyak naman ang kahandaan ng Armed Forces of Philippines (AFP) partikular na ang 902nd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Ferozaldo Paul Regencia na proteksyunan ang mamamayan sa Bicol laban sa mga pagkilos o masamang gawain ng makakaliwang grupo. […]

Libreng surgical operation inilunsad ng Bislig City District Hospital

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Dinagsa ng maraming tao na mula sa Agusan del Sur at Surigao del Sur ang libreng surgical operation para sa mga batang may Hare Lip at Cleft Palate na isinagawa sa Bislig City District Hospital. Ito ay mayroong temang”Hastag Project Smile,” na proyekto ng Maharlika Charity Foundation, Loving Presence Foundation, Bislig City District Hospital, Lokal na Pamahalaan ng Bislig at iba pang non-government organization kaya inilunsad ang ganitong mga […]

Fire drill at seminar isinagawa ng mga kawani at volunteers sa T.Sora, Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng fire drill at seminar ang barangay officials ng Tandang Sora, Quezon City noong Huwebes, February 23. Ito ay bilang paghahanda sa Fire Prevention Month ngayong Marso. Pinangunahan ni Sr. Inspector Ronnie Benedicto ng Quezon City Fire District, Station 6 ang nasabing seminar. Itinuro sa mga barangay volunteer ang mga dapat gawin at mga gampanin kapag nagkaroon ng sunog. Pagkatapos ng seminar ay nagkaroon ng fire drill at simulation sa bakanteng […]

Libreng birth registration sa Quezon province

(Eagle News) — Ang local government unit (LGU) Mulanay sa pangunguna ng Office of the Municipal Civil Registrar ay nakikiisa sa Philippine Statics Authority (PSA) sa pagdiriwang ng Civil Registration Month 2017. Ito ay may temang: “Pilipino rehistrado, matatag na kinabukasan ay sigurado.” Kaugnay nito, nagsagawa sa bayang ito ng free registration para sa lahat, bata man o matanda, na hanggang ngayon ay hindi pa rin na nakarehistro o wala pa ring birth certificate.

Speed limit sa Bataan mahigpit na ipinatutupad 

(Eagle News) — Sa Bataan, mahigpit na ipinatutupad ang speed limit sa kahabaan ng Pablo Roman Highway, Gov. J.J. Linao Road, at bahagi ng Jose Abad Santos Highway na sakop ng mga bayan ng Hermosa at Dinalupihan. Batay sa inaprubahang ordinansa ng sanguniang panlalawigan noong December 9, 2016, ang speed limit sa mga pambublikong sasakyan ay hindi dapat lalagpas sa 70 kph, 80 kph naman sa mga pribadong sasakyan, habang 50 kph naman sa mga […]

Riding in tandem criminals target ngayon ng kapulisan

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kaliwa’t-kanan ang isinasagawa ngayong PNP Checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng Surigao del Sur. Ito ay dahil halos magkasunod lamang na nabiktima ang isang security guard at isang pulis nang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo o ang mga kawatang tinatawag na “riding in tandem.” Mahigpit namang kinondena ng kapulisan ang walang habas na papamaril at pambibiktima ng mga riding in tandem criminals sa nasabing lugar. Nagbabala […]

Isang oar fish, nalambat ng mangingisda sa Sta. Maria, Romblon

STA. MARIA, Romblon (Eagle News) – Isa na namang oar fish ang nalambat ng isang mangingisda sa Sitio Cabugao, Barangay Bunga, Sta. Maria, Romblon. Ayon kay Precel Jane Mesterioso, anak ng nakahuli ng nasabing isda, nahuli aniya ng kaniyang tatay na si Juan Misterioso ang isda sa pamamagitan ng largarite (isang uri ng lambat) noong madaling araw nang Martes, February 21. May habang 9 feet ang nasabing oar fish at halos sakupin na ang kalahati ng kalsada ng ilatag […]