News in Photos: Naaagnas na balyena natagpuan sa dalampasigan

CAGDIANAO, Dinagat Island (Eagle News) – Natagpuan patay ang naaagnas na balyena sa dalampasigan ng Kantigdaon, Poblacion, Cagdiano, Dinagat Island. Ang nasabing balyena ay tinatayang aabot sa 20 feet long, ang buntot ay nasa 75 centimeter at ang timbang ay aabot sa 2000 kilograms.

Ayon kay Sufenia B. Chua, Municipal Aquaculturist ng Cagdianao, naging kulay puti ang balyena dahil naaagnas na ito. Ang nakitang kulay puti na parang balahibo ay ang makapal na fats ng nasabing balyena. Tinatayang magdadalawang linggo na ang balyena sa lugar mula ng mamatay ito. Posible rin umanong may nakaaway o napasabay sa isang barko kaya puro sugat ang katawan nito.

Balak ng Lokal na Pamahalaan na ilibing na lamang sa dalampasigan ang nasabing balyena dahil mahirap na itong alisin sa lugar. Huhukayin na lamang aniya ang buto nito para sa reconstruction upang ilagay sa isang museum.

Jabes Juanite – EBC Correspondent, Surigao del Sur