Provincial News

102 kabataan nagtapos sa programang Drug Abuse Resistance Education

TANDAG CITY, Surigao Del Sur (Eagle News) – Isinagawa ang graduation ng may 102 na kabataan na sumailalim sa programa ng Department of Education (DepEd) at ng PNP na Drug Abuse Resistance Education (DARE). Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Carrascal Sports and Cultural Center nitong Biyernes, March 31. Naging Guest Speaker sa nasabing programa si Surigao del Sur Provincil Director PSSupt. Romaldo Bayting. Sa kaniyang mensahe ay kinumbinse niya ang mga kabataang mag-aaral na nagtapos sa programa […]

Turn-over ng 5 bagong trucks isinagawa sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Dipolog City ang turn over ceremony sa limang bagong trucks ng CENRO para sa Solid Waste Management Division-on garbage collection, isang unit ng forklift para sa Galas Feeder Port, at isang unit ng manlift para sa Electrical Section ng City General Services Office. Naglalayon ito na mapaunlad ang serbisyo ng pangungulekta ng basura sa Dipolog City kasabay ng patuloy na paglago ng business sector […]

Blood donation activity isinagawa sa Taytay, Palawan

TAYTAY, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng blood letting ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Dan Del Rosario at sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management. Isinagawa ito sa  Floor Annex Building ng munisipyo ng Taytay noong Huwebes, March 30. Unang nagpakuha ng dugo ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing bayan. Hinikayat din ang mga Punong Barangay ng Taytay na ikampanya ito sa kanilang nasasakupan na ang may mga kakayahan na mag-donate ng dugo. […]

Lider ng isang bandidong grupo arestado; 36 na matataas na kalibre ng baril narekober ng militar

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Isang leader ng bandidong grupo ang naaresto sa Sulu, samantalang napatay naman ang isang tauhan nito sa pinagsamang operasyon ng Task Force Sulu noong Miyerkules, March 29 bandang 5:00 ng umaga. Ito ay pinangungunahan ni Col. Cirilito Sobejana at ng PNP. Nakumpiska at narekober ng mga operatiba ang ilang matataas na kalibre ng baril mula sa suspek. Nagkaroon ng engkwentro ang mga elemento ng Task Force Panther sa ilalim ni […]

Pangulong Duterte pinangunahan ang People’s Day Celebration sa Socorro, Oriental Mindoro

SOCORRO, Oriental Mindoro (Eagle News) – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mamamayan sa Bayan ng Socorro, Oriental Mindoro sa patuloy na pagsuporta sa kaniya. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang naging pagbisita sa nasabing lugar noong Miyerkules, March 29 sa isinagawang People’s Day Celebration sa Brgy. Batong Dalig, Socorro, Oriental Mindoro. Nagpasalamat rin ang Pangulo sa suportang ibinigay sa kaniya ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) National President at Socorro Mayor Maria Fe ‘Bubut’ Brondial […]

Mangingisda na tumagal ng halos 2 buwan sa dagat, nakauwi na

GENERAL SANTOS CITY, Cotabato South (Eagle News) – Nakauwi na ang isang mangingisda na tumagal ng halos dalawang buwan o 58 na araw sa dagat. Sa salaysay ni Rolando Omongos, 21 years old, taga-General Santos City noong Disyembre 21, 2016 nang sila ay pumalaot kasama ng iba pang mangingisda. Dahil aniya sa bagyo ay nahiwalay ang bangka na kaniyang sinasakyan sa lancha o mother boat noong Enero 10, 2017. Naanod aniya sila patungong Papua New Guinea. Makalipas […]

Pang-apat na Negosyo Center ng DTI sa Bataan, pinasinayaan

BAGAC, Bataan (Eagle News) – Pinasinayaan ang pang-apat na Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bagac Municipal Hall sa Bataan. Pinangunahan ito ni ni Ms. Nelin Cabahug ng DTI Bataan kasama ang DTI Region 3, DTI Baler, DTI ZAmbales at DTI Pampanga, 2nd District Representative Joet Garcia, Mayor Gab del Rosario, Board Member Gaudencio Ferrer at mga negosyante sa naturang bayan. Layunin ng DTI Negosyo Center na mapalawak pa ang business opportunities sa […]

All-out war vs illegal gambling ng PNP sa Calabarzon pa-iigtingin

CALAMBA, Laguna (Eagle News) – Nagbigay na ng direktiba si Police Regional Office-Region 4-A Calabarzon Director Chief Supt. Ma. O Aplasca ng Camp Vicente Lim, Laguna sa mga Provincial Police Directors na magsagawa ng all-out war laban sa illegal gambling sa rehiyon. Nagpadala na ng direktiba si Aplasca sa mga Provincial Directors ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na ipatupad na ang kaniyang ipinag-uutos. Wala rin aniya sa kaniyang polisiya na magsuhol ang mga operator at […]

Pamahalaan Lokal ng San Marcelino nakiisa sa National Women’s Day Celebration

SAN MARCELINO, Zambales (Eagle News) – Nakiisa ang bayan ng San Marcelino sa pagdiriwang ng National Women’s Day na may temang “We Make Change Work for Women”. Pinangunahan ito ni Miss Sarah Doria, Department Head ng DSWD. Nilahukan din ito ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno at ilang pribadong sektor, tulad ng: Water District Rotary Club Barangay Health Worker Retired Teachers Lokal na Pamahalaan Philippines National Police Nagsagawa sila ng motorcade na nagsimula sa harapan ng Munisipyo. Inikot […]

AFP suportado ang LADRRMO sa Emergency Response Disaster Program ng lungsod

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Makakaasa aniya ang Laguna Association of Disaster Risk Reduction and Management Officers (LADRRMO) sa suporta at kooperasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Emergency Response Disaster Program nito sa buong Laguna. Ito ang ipinahayag ng AFP 525th Engineering Combat Batallion sa isinagawang monthly meeting kamakailan. Ang LADRRMO ay isang association na binubuo ng 24 na munisipalidad at anim na lungsod ng Laguna. Layunin nito na mapalakas at mapagkaisa ang lungsod sa […]

Tatlong hinihinalang miyembro ng Maute Group arestado sa Marawi City

(Eagle News) — Arestado ang tatlo sa anim na hinihinalang miyembro ng Maute Terrorist Group matapos magsagawa ng raid operation ang pulisya sa Marawi City, Lanao del Sur. Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), naaresto ang tatlong suspek sa kanilang inuupahang bahay nang mag check-out ang mga ito sa kanilang tinutuluyang hotel. Sa kabila nito, nababahala pa rin ang pulisya dahil hindi pa nadadakip ang iba pa sa tatlong suspek. Samantala, nagsasanib […]

Natitira pang bihag ng Abu Sayyaf nasagip ng militar

  (Eagle News) — Kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na matagumpay na nailigtas ng militar ang natitira pang bihag ng Abu Sayyaf na dinukot ng mga rebelde sa karagatan ng Sibago Island sa Basilan. Sa panayam sa programang Liwanagin Natin, sinabi ni Padilla na dahil sa patuloy na rescue operation ng militar ay narekober ang Chief Engineer ng cargo vessel na si Laurencio Tiro at ang kapitan na si Aurelio Agacac sa barangay […]