Provincial News

Supplier ng baril ng Maute group, natunton ng PNP

LIPA CITY, Batangas (Eagle News) — Natunton ng mga awtoridad ang nagsu-supply ng baril sa Maute Terror Group sa Marawi City. Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, naaresto na nila ang lider ng grupo na si Rommel Litan, at ang mga miyembrong sina Rommel Quinones, Angelo Magcamit, at Rey Quinones. Base sa record ng Philippine National Police-Criminal Investigation Detection Group, mula December 2015, aabot na sa 671 na mga imitation […]

Isang miyembro ng bandidong grupo na Abu Sayyaf, arestado sa Basilan

LAMITAN  CITY, BASILAN (Eagle News) – Naaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa  Lamitan City, Basilan. Si Ismael Gampal, na nag-o-operate sa Basilan, ay naaresto ng mga operatiba ng 19th Special Forces Company ng 4th Special Forces Batallion kamakailan. Narekober mula sa kaniya ang isang M16 rifle, ilang war materials, military backpack at uniforms. Si Gampal ay dinala sa headquarters ng mga operatiba sa Brgy. Dangcalan, Lamitan City para […]

Midnight deals na pinasok umano ng Meralco, pinabulaanan

(Eagle News) – Mariing itinanggi ng pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO) ang alegasyong may midnight deals sa pitong power supply agreements na pinasok nito. Agad na nilinaw ng Meralco sa joint hearing ng House committee on good government and public accountability at committee on energy na dumaan sa tamang proseso ang pitong supply agreements na may 20 taong kontrata. Binigyang-diin pa ni Ivanna dela Peña, 1st Vice President ng Meralco, na hindi madedehado ang mga consumer […]

Surigao del Norte, nakiisa sa Nutrition Month at National Disaster Consciousness Month

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang Surigao del Norte sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrition at National Disaster Consciousness na may temang “Healthy Life Gawing Habit for Life at 4ks: Kamalayan sa Kahandaan Katumbas ay Kaligtasan.” Maaga pa lang noong Lunes (July 3) ay nagtipun-tipon ang mga empleyado at mga representante mula sa iba’t ibang ahensya sa gobyerno para sa maikling programa na pinangunahan ni Dr. Arlene Felizarta ng Provincial Health […]

Bagong mayor ng Mabalacat City, Pampanga, opisyal na umupo sa puwesto

MABALACAT CITY, Pampanga (Eagle News) – Opisyal na umupo sa puwesto si Crisostomo Garbo bilang bagong mayor ng Mabalacat City, Pampanga. Naiproklama si Garbo noong June 27  pagkatapos kanselahan ng Commission on Elections en banc ang certificate of candidacy ni dating Mayor Marino Morales, at matapos ideny ng Regional Trial Court ng Angeles City Branch 58 ang hinihinging injunction ni Morales. Si Garbo, na tumakbo sa pagkamayor ng lungsod noong May 2016 elections, ang siyang […]

Red tide alert, itinaas sa Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Itinaas ang red tide alert sa Puerto Princesa  dahil sa pagsibol ng algae. Ito na ang ikalawang red tide alert sa Puerto Princesa ngayong taon. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide toxins ang mga sample na nakuha sa mga baybayin ng Bay of Honda. Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang paghuli at pagbebenta ng halaan, talaba at tahong mula sa mga ito. […]

Isa sa “persons of interest” sa masaker sa Bulacan, natagpuang patay

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte nitong Lunes ang isa sa itinuturing na “person of interest” sa pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa nasabing lungsod. Nakahandusay sa gilid ng kalsada ang bangkay na mayroong nakataling karatula sa leeg na may nakasulat na na “adik at rapist ako huwag tularan.” Kinumpirma ng mga awtoridad na ang natagpuang bangkay sa Northwinds Phase […]

Mga buntis at bata, mahigpit na minomonitor ng DOH sa mga evacuation center sa Iligan City

ILIGAN CITY (Eagle News) – Isa sa mahigpit na minomonitor ngayon ng Department of Health (DOH) ay ang mga buntis, mga may inaalagaang sanggol, mga bata, at kababaihan na nasa evacuation center. Ito ang inihayag ng DOH Region 10 matapos makapagtala ng mga malnourished na mga buntis sa mga evacuation center sa Iligan City, Lanao del Norte. Ayon sa DOH, sa 53 na mga naitalang buntis, ay dalawa ang mahina ang lagay ng kalusugan. Samantala, sa limang […]

Isang miyembro ng CAFGU, arestado dahil sa droga

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na umano’y tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, kamakailan. Kinilala ang naarestong suspek na si Jumahadi Royahmad Daral, 37 taong gulang, residente sa Lion Kilat, Barangay Santiago sa nasabing lungsod. Ayon sa Philippine National Police, si Jumahadi ay aktibong miyembro ng CAFGU na kasalukuyang naka-assign sa 5th […]

Simulation exercise kontra terrorist attacks, isinagawa sa Pagadian City

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isang simulation exercise ang isinagawa sa Pagadian City kaugnay sa posibilidad ng pag-atake ng terorista. Limang magkasunod na tunog ng sirena ang nagkunwang hudyat na mayroong mga teroristang umatake sa iba’t ibang bahagi ng siyudad. Pagkatapos ng ilang minuto, agad dumating ang mga first responder mula sa Pagadian City Police Station. Sumunod naman ang Zamboanga Del Sur Provincial Office Unit, at tropa ng militar para i-neutralize ang […]

PDEA says more than 3,600 barangays “drug-cleared”

(Eagle News) – The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said that 3,677 of the total 42,036 barangays in the country have been cleared of illegal drugs. According to PDEA Director General Isidro Lapeña, the barangays who have been given the “Drug-cleared status” were certified by the members of the Oversight Committee on Barangay Drug-clearing Program. Before a barangay can be declared drug-free, it should pass the probe of the committee which checks if a certain […]

Suspek sa masaker sa Bulacan, negatibo sa drug test; mga bagong testigo lumutang

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Nagnegatibo sa paggamit ng iligal na droga ang suspek sa pagpatay sa isang pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ang suspek na si Carmelino Ybañez, na isang construction worker, ay una nang umamin na siya ang pumaslang sa limang miyembro ng isang pamilya sa probinsiya. Sinabi din nito na siya ay nakagamit ng droga nang patayin niya ang mga biktimang sina Estrella Carlos, Aurora […]