Provincial News

Seguridad sa Zamboanga Port area, mahigpit na binabantayan ng PNP at AFP

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Doble bantay ngayon ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Zamboanga Port Area. Ito ay dahil sa pagdating ng mga kalalakihan mula sa isla ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi na dadalo sa dalawang araw na Bangsamoro general assembly sa Maguindanao. Inaasahan din na dadagsain ng maraming kalalakihan ang Bangsamoro general assembly na isasagawa ngayong darating na Nobyembre 26 at 27 sa […]

Apat na miyembro ng NPA, sumuko sa otoridad

KITCHARAO, Agusan del Norte (Eagle News) – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko at kasamang isinurrender ang kanilang mga armas sa Agusan del Norte noong Miyerkules, November 22. Ang naturang pagsurrender ng mga NPA sa Brgy. Canaway, Kitcharao ay kasabay ng programa na inilunsad ng mga barangay official ng Canaway sa pangunguna ni Kitcharao Mayor Aristotle Montante at Agusan del Norte Governor Angel Amante-Matba. Samantala, namahagi at nagpaabot ng tulong ang mga […]

Dalawang kampo ng BIFF sa North Cotabato, nabawi ng AFP

(Eagle News) – Nabawi ng militar ang dalawang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato. Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez, naagaw nila ang pinagkukutaan ng nasabing grupo sa Brgy. Tonganon at Brgy. Bentangan. Aabot sa tatlong libong residente ang kinailangang lumikas dahil sa pag-atake ng mga bandido. Una nang nag-kampo sa Saidona at Salibo sa Maguindanao ang BIFF ngunit dahil sa mga operasyon laban sa kanila, napilitan […]

Clearing operation sa Marawi City, nagpapatuloy

(Eagle News) – Patuloy ang clearing operation na isinasagawa sa mga apektadong lugar sa Marawi City. Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, ilang mga bangkay rin ang kanilang nakuha sa kanilang isinasagawang clearing operation. Nakarekober rin ng militar ang 77 armas sa Marawi City mula nang lumaya ito sa Maute Group. Samantala, muli aniyang nagre-recruit ng mga bagong miyembro ang grupong Maute. Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr, […]

Canadian government naglabas ng travel advisory sa mga bibiyahe sa Pilipinas

(Eagle News) – Naglabas ng travel advisory ang Canada laban sa pagbiyahe sa Pilipinas. Ito ay dahil umano sa mataas na banta ng terorismo, gaya ng nangyari sa Marawi, at kaso ng pagdukot. Sa pamamagitan ng travel advisory, pinayuhan ng gobyerno ng Canada ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang magtungo sa Mindanao kabilang ang mga lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan at Zamboanga. (Eagle News Service)

PDEA burns down seven marijuana plantations in Ilocos Sur, Benguet boundary

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – The Philippine Drug Enforcement Agency Region I on Sunday destroyed seven marijuana plantations in the boundary of Ilocos Sur and Benguet province. The destruction of almost Php 6 million worth of marijuana was part of the anti-drug agency’s two-day operation. Authorities have said that the mountains of Benguet continue to be a major source of marijuana in Region I.  

16 police officials removed from duty for failing to stop illegal gambling

QUEZON City, Philippines – Sixteen police officials of the Philippine National Police were removed from duty for failing to stop illegal gambling in their jurisdiction. Six chiefs of the Southern Tagalog Police; five chiefs from Bicol; two others in Central Mindanao, and one each in Western Visayas, Southern Mindanao and CaRaGa were sacked. According to the records of the PNP National Operations Center, 6,600 individuals who are involved in illegal gambling were arrested since January […]

PHP1.5 milyong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Bongao, Tawi-tawi

BONGAO, Tawi-tawi (Eagle News) – Nabawi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 at PNP Special Action Force ang shabu na nagkakahalaga ng 1.5 milyon pesos sa isinasagawang buy bust operation sa Tawi-tawi kamakailan. Pinangalan ni PDEA Regional Director-9 Lyndon Aspacio ang suspek na si Badang Awang Abdul, may asawa at nakatira sa naturang lugar. Bukod sa shabu, nabawi din ng PDEA9 ang tatlong libong piso na marked money na ginamit […]

Mahigit sa 15 bahay, nasunog sa Brgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang mahigit sa labinlimang bahay sa A. Mabini St., Brgy. dela Paz, Biñan City, Laguna. Ayon kay Edward Casubha, 35 taong gulang mag-aalas tres ng madaling araw nitong Miyerkules, November 22, habang siya ay natutulog ay may narinig siyang sumisigaw ng sunog mula sa labas ng kanilang tahanan. Paglabas aniya niya ay nakita niya na nasusunog na pala ang bahay ng kanilang kapitbahay. Dahil gawa lamang […]

Isang notorious killer at limang armadong lalaki, nasakote ng Naval forces sa Tawi-tawi

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Arestado ng otoridad ang anim na armadong lalaking sakay ng dalawang motorized pump boats na pinaniniwalaang mga miyembro ng notorious group na Abu Sayyaf-Kidnap for Ransom Group. Ang mga ito ay naaresto matapos na ma-intercept ng isang Navy Seal Team na sakay ng Navy ship na BRP Manuel Gomez (PC 388) malapit sa Bolod Island, Tonquil, Sulu noong Lunes ng gabi, November 20, 2017. Ayon kay Rear Adm. Rene V. […]

Karagdagang CCTV cameras at LED billboards, ilalagay sa Bohol upang makatulong sa otoridad

TAGBILARAN CITY, Bohol (Eagle News) — Magkakabit  ng mga karagdagang CCTV cameras at LED billboards ang local government unit sa Tagbilaran City sa Bohol. Ito ay upang matulungan ang mga otoridad na makilala ang mga suspek sa mga krimen na makikita sa mga security camera na pawang ipupwesto sa kanilang command center. Walong LED billboard naman ang ilalagay sa key areas sa siyudad na gagamitin sa pagpapakalat ng impormasyon lalo na sa panahon ng sakuna. […]

Fire hits warehouse of Dunlop Int’l factory in Bataan which makes Wimbledon tennis balls

    (Eagle News) — Fire hit a warehouse of Dunlop International Philippines in Mariveles, Bataan on Tuesday, November 21, 2017.   The Dunlop factory in Mariveles is known as the maker of tennis balls used in the international Wimbledon tournaments. There are still no reports if there were people hurt in the incident. Based on the initial investigation, the fire first hit the warehouse where rubber materials used in the manufacture of tennis balls […]