Provincial News

Pagsisimula ng bilangan para sa barangay at SK elections, isinagawa na sa Aurora, Isabela

(Eagle News) — Ganap na ika-3 ng hapon ay halos wala nang dumating upang bomoto para sa barangay at Sangguniang Kabataan sa bawat barangay. Nagsimula ring mag-ayos ang mga Board of Election Inspectors (BEIs) para sa manual counting. Isinagawa ang pagbilang sa mga balota pagkasara ng mga presinto. Pinangunahan ito ng mga BEI kasama ang mga watcher ng bawat partido. Benjie V. Bautista

Paglalabas ng balota ng isang miyembro ng BEI sa Malvar, Batangas, nauwi sa komosyon

(Eagle News) — Nagkaroon ng komosyon sa bayan ng Malvar matapos ilabas sa presinto ng chairman ng Board of Election Inspectors ang mga blangkong balota. Namagitan ang komosyon diumano sa pagitan ng Board of Election Inspectors at poll watcher ng isang kandidato sa Brgy. Pioquinto. Kaagad din naman nilapitan ng mga pulis ang mga nagtatalo. Katuwiran ng chairman ng BEI, may itatanong lamang sya hinggil sa mga balota sa kabilang polling precinct kaya niya ito […]

Dalawang taong bumibili umano ng boto sa Batangas, tinutugis na ng pulisya

Mar Gabriel Eagle News Service Tinutugis ngayon ng Batangas City Police ang dalawang suspek na umano’y namimili ng boto para sa isang kandidato. Sa report ng pulisya, bandang alas nuebe trenta ng umaga ng Lunes, ika-14 ng Mayo, nang ireklamo ng isang botante sa kanilang istasyon ang mga suspek na kinilalang sina Janzel Serrano Almarez at Flordeliza Plata Antenor. Ayon sa biktima, nag-aalok ng P400  ang dalawang suspek sa mga botante sa Batangas National High […]

Matinding traffic, naranasan sa Loma de Gato sa Marilao, Bulacan dahil sa dami ng tao na nais bumoto

(Eagle News) — Nagdulot naman ng matinding traffic congestion sa kahabaan ng Villarica Road, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan ang isinasagawang barangay at SK elections sa nasabing lugar. Halos hindi kasi makausad ang mga sasakyan dahil sa dami tao na naglalakad sa halos isang lane ng kalsada upang tumungo sa Loma de Gato Elementary School upang lumahok sa synchronized barangay at SK elections. Samantala, bukod sa dito ay payapa naman ang botohan sa mga […]

Pangasinan-PNP, patuloy na naka-full alert para sa barangay at SK elections

Ni Nora Dominguez Eagle News Service LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Maayos at mapayapa ang pagbubukas ng mga presinto sa buong lalawigan ng Pangasinan kaugnay ng isinasagawang synchronized barangay at Sangguniang kabataan (SK) elections. Naka-full alert naman ang buong pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) upang tiyakin ang seguridad ng isasagawang barangay at SK elections hanggang matapos ang canvassing of votes sa buong lalawigan. Inilatag naman ang mahigit dalawang libong pwersa ng Pangasinan PNP sa […]

Mga PWD, senior citizen sa paaralan sa San Mateo, Rizal, nakaranas ng ilang problema sa pag-boto

By Meanne Corvera Eagle News Service Pahirapan pa rin ngayon ang pagboto lalo ng mga Persons with Disabilities at mga senior citizen dito sa San Mateo National High School sa Rizal. Karamihan kasi sa mga senior citizen umakyat pa sa third floor dahil naroon ang kanilang presinto. Si Aling Roberta Apolonia, 85 years old na  pero umakyat pa ng third floor dahil dito raw siya bumoto noong 2016. “Hindi pa e. Wala yung pangalan ko […]

Mahabang pila, nawawalang pangalan at mainit na panahon naman ang reklamo ng mga botante sa Surigao City

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga boboto sa iba’t ibang presinto sa Surigao City. May mga nakatalagang pulis at naglagay din ng information table ang Commission on Elections (Comelec)  para sa mga gustong magtanong o nagkaproblema sa kanilang precinct number at polling place. Marami ang nagrereklamo dahil hindi nila makita ang kanilang pangalan sa master list ng Comelec at ang iba ay nalipat ng […]

Farmer arrested for alleged vote-buying

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – A farmer was arrested after he allegedly tried to buy votes in Tayug, Pangasinan on Monday, May 14. The suspect was identified as Martin Fabia, 62, resident of Brgy. Lichauco, Tayug. Based on initial investigation, Fabia offered Php300 to Criselda Sardon in exchange for her support for Felomino Vidad, but she refused to accept the money. He allegedly made the offer twice. Incumbent Brgy. chair Antonio Jacob passed by and […]

Kakulangan ng mga voting official dahilan ng pagbagal ng botohan sa ibang presinto sa isang paaralan sa Bulacan

  STA. MARIA, Bulacan (Eagle News) – Ilang oras mula nang opisyal na mag-umpisa ang halalan ay nag-uumpisa na rin ang build-up ng mga pila sa bawat presinto sa Paaralang Elementarya ng Sta. Clara. Ito ay hindi katulad kaninang alas 7:00 ng umaga na mabilis lang ang proseso ng pagboto. Ayon sa mga watchers, ang matagal ay ang pamamahagi ng mga balota. Mapapansin rin na mayroon lamang tatlong opisyal sa bawat presinto: Una ay ang […]

Davao Mayor Sara Duterte casts vote in Davao

(Eagle News) –  Davao City Mayor Sara Duterte  cast her vote in her precinct inside the Daniel R. Aguinaldo High School in Barangay Matina in Davao on Monday, May 14. Mayor Sara arrived in the area past 9:40 accompanied only by her security. She cast her ballot at 9:45 a.m. President Rodrigo Duterte is also expected to cast his vote today at the same school.