Camarines Norte nakararanas ng matinding pag-ulan at pagbaha

CAMARINES Norte — Kanselado ang pasok sa ilang eskwelahan sa Camarines Norte ngayong Biyernes, March 4. Ito ay dahil sa matinding pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa lugar kung kaya’t maraming motorista and na-stranded.

Nabatid na maging ang Camarines Norte Provincial Jail ay pinasok din ng baha. Plano ngayon ng mga awtoridad na ilikas ang mga preso doon.