Buong staff ng isang kumpanya, nanood ng “Felix Manalo” movie

Hindi pinalampas ng staff at mga empleyado ng Soliman E. C. Septic Tank and Disposal na panoorin ang “Felix Manalo” movie.

Pinangunahan ito ni Ginoong Dennis Soliman. Ayon sa kaniya inilaan nila ang oras na ito upang mapanood ang pelikula.  Isinama din niya ang kaniyang pamilya, mga kamag-anak, kakilala at kaibigan.

Batay din sa kaniya pinaghandaan nila ito, bumili ng 650 tickets, at umarkila ng mga masasakyan. Dahil sa kanilang kagalakan, bumati sila bilang pagsuporta sa tagumpay ng “Felix Manalo” movie at sa kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Ka Eduardo V. Manalo.

(Agila Probinsya Correspondent Caloy Flores)