Boobsie, nag-guest host sa “Eat’s Singing Time”; todo na sa saya with Marcelito Pomoy at JC Parker

Naki-join sa kantahan, saya at kainan ang super funny comedian-singer na si Boobsie sa “Eat’s Singing Time”, ang pinakabagong game show ng NET25,, nitong Biyernes, Jan. 8, sa pilot week ng naturang show.

Todo na nga sa pagbibigay saya ang pinakabagong show na handog ng Eagle Broadcasting Corporation nang sinamahan ni Boobsie nitong Biyernes ng gabi, ang regular hosts ng show na sina Marcelito Pomoy at Jaycee Parker Aguas.

Boobsie, nag-guest-host sa “Eat’s Singing Time”, kasama sina Marcelito Pomoy at Jaycee Parker-Aguas nitong Biernes, Jan. 8, 2021

Ang “Eat’s Singing Time” ay mapapanood tuwing Lunes hanggang Biernes, sa ganap na 8 p.m. hanggang 9 p.m., sa NET25.  Ito rin ang pinakabagong game show sa bansa.

Nag-pilot episode ito nitong Lunes, Jan. 4, kung saan isa sa mga contestant si Boobsie, kasama sina Ynna Asistio, Geoff Eigenmann, at Jiro Custodio ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” (isa ring bagong show, romantic comedy teleserye, ng NET25 tuwing Sabado, 8 p.m).

Talaga ngang kakaibang saya ang hatid ng pinakabagong show na ito ng EBC-NET25.

Ang tanong ng mga viewers matapos mapanood ang Jan. 8 episode ng “Eat’s Singing Time” — magiging regular na nga bang kasama nina Marcelito at Jaycee si Boobsie sa show?

Abangan ang sagot dyan sa susunod na linggo.

(Eagle News Service)