Blood Letting Activity sa Subic pinangunahan ng PCGA

Nagsagawa ng isang Blood Letting Activity ang 111th Squadron ng Philippine Coast Guard Auxiliary o PCGA sa isang mall sa Subic Bay sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross Olongapo City Chapter.

Ito ay bilang suporta sa nalalapit na selebrasyon ng World Blood Donor Day 2015 na may temang “Thank you for saving my life.”

Pinangunahan ng mga miyembro ng Phil. Coast guard ang pagdo-donate ng dugo at ilang miyembro ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.
Bukod naman sa physical examination, dumadaan din ang mga donor sa counseling o pagpapayo bago kuhanan ng dugo.

Ayon kay Marisol Apostol, Chief of staff ng Squadron, ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong proyekto ang PCGA.

(Agile Probinsya Correspondent Rod de Leon)