Blood donation isinagawa sa San Jose, Neuva Ecija

“Every blood donor is a hero”, ito ang isinabuhay ng isinagawang blood donation sa Heart of Jesus Hospital, lungsod ng San Jose kamakailan lamang.

Sa pagtutulungan ng Philippine Red Cross, Heart of Jesus Hospital, Alay Foundation at Peace Action and Rescue with Dedication to Serve the Society o PARDSS ay matagumpay na naisagawa ang programa.

Tinatayang nasa higit apatnapu ang nagdonate ng dugo. Ayon kay Hilario B. Pajo, newly appointed chairman ng PARDSS, layunin ng proyektong ito na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa magandang epekto ng pagdodonate ng dugo lalong lalo na sa kalusugan ng magdodonate.

Dagdag pa ni Pajo, malaki ang maitutulong nito sa mga taong mangangailangan ng dugo sa hinaharap.

(Agila Probinsya Correspondents Mark Reyes, Emil Baltazar)