Blood donation drive, isinagawa ng Iglesia ni Cristo sa Pamplona, Cagayan




PAMPLONA, Cagayan (Eagle News) — Nagsagawa ng blood donation drive ang Iglesia ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Don Mariano Memorial Hospital sa Curva, Pamplona, Cagayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na makalikom ng sapat at ligtas na dugo upang makatulong sa mga nangangailangan nito, maging sila man ay kaanib o hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo.

Umaga pa lang ay nagsidatingan na ang mga donor sa lugar upang makapagbahagi ng kanilang dugo at makapagsalba ng maraming buhay.

Minsan pang napatunayan ng Iglesia ni Cristo ang kanilang bahagi sa paglingap sa kapwa lalo na sa mga panahong ito na bumabangon ang iba’t ibang uri ng malulubhang karamdaman. (Rea Magbual, Eagle News Service Correspondent)