Biyahe ng mga barko sa Cebu, kanselado pa rin

AGOSTO 7 (Agila Probinsya) — Kanselado pa rin ang mga biyahe ng mga barko sa mga pantalan ng Hagnaya, San Remegio at Santa Fe Bantayan Island, Cebu mula kahapon at ngayong araw dahil sa mga naglalakihang alon sa dagat.

Humigit kumulang sa 200 pasahero ang istranded mula pa kagabi sa Hagnaya Airport.

Ayon sa Coast Guard hindi pa aniya alam kung kailan bibigyan ng clearance upang makapagbiyaheng muli ang mga barko.

(Agila Probinsya Correspondent Arnulfo Compuesto)