BFAR, muling magpapatupad ng fishing ban para sa isdang tawilis

(Eagle News) — Plano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa isdang tawilis simula Marso o Abril ngayong taon sa Taal Lake.

Ayon kay BFAR Director Ed Gongona, taong 2013 pa nang imungkahi nila ang tatlong buwang fishing ban na ito pero hindi naman umano ito inaksyunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Subalit muling bubuhayin ng BFAR ang nauna nilang mungkahi, kasunod na rin ng deklarasyon ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN) na ang populasyon ng tawilis sa Taal Lake ay bumulusok pababa sa nakalipas na sampung taon.

Sinabi ni Dr. Mudjekeewis D. Santos, isang scientists sa National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), posibleng makatulong ang fishing ban para maitaas ang populasyon ng tawilis sa susunod na tatlong taon kung ito ay ipatutupad kasabay ng iba pang conservative measures.

https://youtu.be/QHBGxfMP75o