Best Healthy Eating Place sa San Jose City, Nueva Ecija nakatakdang parangalan

AGOSTO 6 (Agila Probinsya) — Upang mas lalong maengganyo ang mga may-ari ng mga karinderya sa Nueva Ecija na pagandahin at panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga kainan, nagbigay ng award ang lokal na pamahalaan sa mapipiling Best Healthy Eating Place.