Barangay councilor, arestado dahil sa iligal na droga

Nina Aser Bulanadi at Godofredo Santiago
Eagle News Service

CONCEPCION, Tarlac (Eagle News) – Arestado ang isang barangay councilor na umano’y kabilang sa high value targets (HVT) ng mga pulis at ang isa pang kasama nito sa pagbebenta ng iligal na droga.

Naaresto ang konsehal na si Dennis Quilala Maliwat, 36, at ang kasama nitong si Gerardo Zamora Bucu, 35, kapwa residente ng Brgy. Alfonso, Concepcion, ng mga tauhan ng Concepcion Municipal Police Station.

Nakumpiska sa dalawa ang dalawang plastic sachet ng mga shabu at dahon ng marijuana  at Php1,000 bill marked money na ginamit sa buy-bust.

Sila ay kapwa nakakulong sa Concepcion lock-up cell at nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.