Bantay Lansangan, Ligtas na Paglalakbay, isinasagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Cagayan

(Eagle News) — Kasalukuyang isinasagawa ng SCAN International ng Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Cagayan East probinsya ng Cagayan ang Bantay Lansangan, Ligtas na Paglalakbay.
Ang layunin ng nasabing aktibidad, ay makatulong sa pamahalaan pangunahin na sa Philippine National Police(PNP) para magabayan at matulongan ang mga kababayan nating motorista sa kanilang paglalakbay ngayong bakasyon.

Dalawang dako ang nagsisilbing istasyon o himpilan ang mga miyembro ng SCAN na matatagpuan sa Barangay Pateng, sa bayan ng Gonzaga at ang isa naman ay matatagpuan sa Barangay Magapit, Lallo, Cagayan.

Makikita naman sa mga miyembro ng SCAN ang kagalakan at kasiyahan na tinutupad ang kanilang gampanin at majatulong sa ating mg kababayan.

Ang bantay lansangan na magtatapos hanggang Marso 31,2018, ay isinasagawa ng INC taon-taon para sa makatulong sa ating mga kababayan

 

Eagle News Correspondent Johnny Ezra