Bangkay ng Pilipina na pinatay sa Ireland, naiuwi na sa bansa

(Eagle News) — Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng estudyanteng Pilipina na pinaslang sa Ireland.

Pasado alas otcho kagabi, Mayo 31, nang dumating ang labi ni Jastine Valdez sa Clark International Airport.
Mula airport agad itong ini-uwi sa kanilang pamilya sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Una nang nadiskubre ang bangkay ni Valdez sa isang inabandonang minahan sa Puck’s Court Lane.

Napag-alaman na nasawi ang biktima dahil sa pananakal ng isang lalaki na nasawi sa isang police operation ilang araw matapos dukutin ang Pilipina.