Bamboo Coop sa Llanera, Nueva Ecija tumanggap ng mga kagamitan mula sa DTI

HULYO 16 (Agila Probinsya) — Tumanggap ng tatlong milyong piso ang isang kooperatiba ng mga magkakawayan sa bayan ng Llanera, Nueva Ecija mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Kabilang sa mga natanggap ng Pamayanang Nagkakaisa Producers Cooperative (PNPC) ang tig-iisang unit ng pole cutter, twin rip saw, treatment vat, kiln dryer, jointer planer at iba pang mga kagamitan na maaring gamitin sa paggawa ng bamboo crafts.

(Agila Probinsya Correspondent Mark Cuevas)