Bahay ng bise alkalde ng Maasin, Iloilo pinasok ng mga pulis

MAASIN, Iloilo (Eagle News) – Pinasok ng mga miyembro ng Iloilo Provincial Police Office ang bahay ni Maasin Iloilo Vice Mayor Francis Amboy nitong Biyernes, September 8, madaling araw.

Ang search warrant ay may kaugnayan sa pagkakaroon umano ng bise alkalde ng mga hindi lisensiyadong baril.

Batay sa search warrant, mayroon  ang alkalde ng kalibre .45 na baril, 9 mm pistol at mga bala.

Pero matapos ang isinagawang raid ay walang nakuhang baril sa bahay ng bise alkalde.

Si Amboy ay kasama sa mga tinukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa narcopolitics sa Iloilo.