Bahagi ng Tabuk-Paracelis Road gumuho dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan

(Eagle News) — Dahil sa sunod-sunod na mga pag-ulan, gumuho ang isang bahagi ng Paracelis-Tabuk road partikular na sa Pandan, Bacarri, Paracelis, Mt. Province kamakailan.

Nawasak ang magkabilang lane ng kalsada at maliit na bahagi na lamang sa gitna ang natira.

Dahil dito, hindi na ito maaaring daanan ng mga malalaking sasakyan maliban na lamang sa single motor.

Kinakailangan ding maglakad ang mga tao upang makatawid sa magkabilang panig.

Ang iba namang pribadong mga sasakyan ay umiikot pa sa lalawigan ng Isabela na umaabot sa lima hanggang anim na oras ang biyahe kumpara sa isa hanggang dalawang oras kung dadaan sa nasirang kalsada.JB Sison