Bagong barangay chapels ng INC ipinagkaloob sa Gloria, Oriental Mindoro at Sumadel, Kalinga

Sa patuloy na pagpapatayo ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapels sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Brgy. Banutan, bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.

Samantala, isang barangay chapel din ang sinimulan itayo sa Brgy. Sumadel, Kalinga.

Ang Sumadel ang isa sa pinakamalayong lokal ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga at bukod tanging hindi pa nararating ng sasakyan. Kaya naman labis ang kanilang naging pasasalamat dahil natupad na rin ang matagal na nilang inaasam na sila ay mapagtayuan ng maayos at magandang bahay-sambahan.

(Agila Probisya Correspondents JB Sison, Melanie Lagrana, Reported by Alejandro Javier)